paglalakbay: sagada

Dahil ang artikulo, kasama ang buo karansan, na ito ay nabuo mula sa isang libro ni Bob Ong, Bakit Baliktad magbasa ang mga Pilipino, sisikapin kong Pilipino ang lahat ng mga salita. Isa sa mga bahagi ng aklat ay ang paglilimbag ni Bob Ong sa sulat ng isang dayuhan tungkol sa mga Pilipino. Barth Suretsky ang kanyang pangalan, isang amerikanong na nanirahan sa Pilipinas sa paniniwalang maganda ang ating lahi at kultura. Sa sulat niya, nabanggit nia rin ang mga kakulangan at problema nating mga pilipino. Isa dito ay ang kakulangan ng pagmamahal sa sarili. Idiniin nia na ang Pilipino ay may napakaayamang kultura subalit ang mga Pilipino ay hindi magawang maipagmalaki. Nang makita nia raw ang mga Rice terraces halos maluwa daw ang mata nia sa husay at galing ng ating kultura [stopped]

Sa puntong ito, hindi ko alam kung kating-kati lang talaga akong magbakasyon o tinamaan ako ng mga nakasulat at dali-dali kong pinuno ang aking bag (ano ba ang tagalog nito? hehe..) ng mga damit at kung anu-ano pang abubot. Bandang ala-una ko naisipang mag-impake at alos-dos ng hapon ng araw ding yun, natagpuan ko ang aking sarili sa loob ng isang bus patungong Baguio. Hindi karamihan ang pera kong dala kaya kinakabahan ako. Pero sa tuwing naiisip ko ang mga rice terraces me “kilig” akong nararamdaman, “Pupunta ako, pupunta ako”, utos ko sa aking sarili. At umandar na nga ang bus, “Yari”.

Dumating ako ng Baguio ng bandang alas-nuwebe e media. Napakaraming tao – turista, bakasyunista – buhay na buhay ang Session Road (englis yun a!). Dumerecho at sa terminal ng Dangwa. Dalawa ang pwedeng sakyan papuntang sagada (Sa totoo, mahigit 2, pero yun lang ang alam ko ng mga oras na yun ), Pinuntahan ko ang isa dito, ang Dangwa terminal. Gusto ko na sanang dumerecho ng Sagada ng mga oras na yun pero kinabukasan pa daw ang susunod na bus. Alas otso. Malas. Mas mapapamahal ako dahil kelangan kong magupa ng tutulugan. Pero wala akong nagawa kaya umalis na din ako. Kumain muna ako at naglakad-lakad at ng makaramdam ako ng pagod, sinumulan kong maghanap ng mumurahing tulugan. Ang hirap! Naka-apat o lima yata akong sakay bago ako makahanap, mura lang, P350 hehehe.

Kinabukasan, alas-sais pa lang nasa istasyon na ako. “Mas mabuti na ang maaaga”, pagmamayabang ko sa sarili ko. Nagulat ako ng makita ko na madami na ang tao at papaalis na ang bus. Sa mga oras na ito, nagdadalawang isip pa ako kung tutuloy ako dahil nga sa dala kong pera. Pero dahil sa paalis na nga sumakay na din ako, para akong batang hindi marunong lumangoy na itinulak sa swimming pool, na may buwaya. Buntis yung buwaya. At gutom na gutom. Bahala na, kako. At umalis ang bus sa tinig ng “Knife… cuts like a knife”.

Habang sa daan, halos marinig ng katabi ko ang kabog sa dibdib ko. Ang tanga ko, ang tanga-tanga ko. Pwede namang nakahiga ako ngayon at nagmamarathon ng “Prison Break” e. Ano bang pumasok sa kukote (nagtalo-talo kami sa ispeling nito “kokote” laban sa “kukute” laban sa “kukote”) ko. Nilibang ko na lang ang sarili ko sa mga munting mga rice terraces na nadadaanan namin. Me mga nakilalala sa daan. Sa tingin ko, pilit ko na silang kinilala dahil desperado na talaga ako. Tinanong ko sila kung ayos lang na makisama ako sa kanila. Pumayag naman sila at natuwa dahil makakatipid nga daw kapag mas marami. Yehey! Ansaya ko na. Kung sakaling mamulubi ako, pwede akong magpaalipin sa mga ito kapalit ng pagkain at pamasahe pabalik. At simulang sumikat ng maliwanag ang araw, nagkantahan ang ibon at ang driver ay hininto ang radyo na kanina pa tumutugtug ng “Air supply medley”.

Masaya yung unang kalahati ng biyahe. Tama, unang kalahati lang. Dahil yung huling kalahati ay nakakabaog. Lahat na yata ng pagaaliw ko sa sarili ko ay ginawa ko na ngunit walang epekto. Ang sabi pa ng katabi ko “Paglagpas ng Bontoc Border, pababa na yun.. malapit na”. Hindi ko na isip na halos 2,000 ft. pala ang taas namin at puro paliko-liko ang dadaanan. Lahat na yata na uri ng liko nagawa namin. Hilong hilo na ko.. gusto ko ng bumalik at magtatakbo pauwi. Halos alas-3 na ng dumating kami ng Sagada.. nanginginig na ko sa gutom.

Kuweba ng Sumaging
Isang tipikal lang na baranggay ang sagada kung tutuusin. “Oo, malamig cia pero yun lang?” Usapan namin ng kasama ko. Pero habang nililibot namin ito, unti-unti akong namangha sa mga nakita ko. Tama nga si Barth. Hindi lang napakayaman ng kultura natin pati ang ating likas na yaman ay kagila-gilalas. Ang aking karanasan sa Kuweba ng Sumaging ay talaga namang kakaiba! Sa una mahirap ang daan, matatalim at malalaking bato. Pero habang lumalalim ang kuweba, unti-unti kong nakikita ang kagandahan nito. Napakalinaw at napakalamig ng tubig at kakaibang ang hugis ng mga bato. Isa pang nakakamangha sa mga bato dito ay hindi ito matulis. Masarap siyang tapakan at hindi madulas. Kumakapit ‘ika nga. Dumating kami sa isang parte ng kuweba sobrang kipot at lamig ng tubig. Kelangan mong magsuot-suot kung saan-saan para makatawid.

Kiltepan
Ang Kiltepan ay isang napakataas na lugar sa Sagada. Nakakatawa dahil akala ko wala na kaming itataas pa. Isang konkretong depinisyon ng “rough road” ang daan papunta dito. Kulang na lang ay rap music at mukha na kaming nagsasayaw sa loob ng jeep paakyat dito. Ayun sa aming driver, merong tower dito na yari sa bakal. Aakyat ka daw dun para makita mo ang kabuuan ng tanawin. Pero ito daw ay ninakaw. Sa loob-loob ko, matindi mga tao dito, tower na ang ninanakaw. Sulit ang tanawin mula dito, makikita mo ang mga patong-patong na rice terraces at luntiang (naks!) kabundukan. Sa baba naman nito, sa tingin ko, ay ang bayan ng Bontoc.

Echo Point at Hanging Coffins Echo Valley
Isa rin sa mga kapansin-pansin na tanawin dito na nagpapamalas ng ating matingkad na kultura ay “Hanging Coffins”. Mga kabaong na imbes na nakabaon e nakakabit sa mga bato. Cool. Hirap nga naman ng nakabaon sa ilallim ng lupa, walang “view”.

Marami pang pwedeng puntahan sa Sagada, anjan ang Bomod-ok Falls at Lumiang Burial Cave. Sa kabuuan, isang napakagandang karanasan ang pagpunta ko dito.

Bibigyan ko ng 8 bituin bilang marka ang sagada. Aprub!

Advertisements

5 Comments

Filed under Uncategorized

5 responses to “paglalakbay: sagada

  1. Joefort

    Kaibig-ibig ang iyong tinuran, Mitch! Utang natin sa Pilipinas na alamin, galugarin ang angking yaman nito. Hindi pa naman huli ang lahat. Sa totoo nian, napapansin ko na dumarami ang mga pinoy na lumilibot na ngayon sa Pilipinas. Ito ay pagpapatotoo na tayong mga Pilipino, kung me pagkakataon, ay lilibutin ang Pilipinas.

    Ito ay hamon sa atin. Hamon kasabay ng imbitasyon. Imbitasyon na kilalanin ang sariling bayan at kung ano ang kahalagahan nito sa ating sarili.

    Mabuhay ang Pilipinas (Tumutugtug: Bayang magiliw, Perlas ng silanganan)

  2. mitch

    Malaki ang ginagastos ng ating gobyerno para paramihin ang mga turista o dayuhan dito sa Pilipinas. Ngunit kung iisipin natin, tayo na mga Pilipino ay bihirang gumastos para makita at malibot and bansa na ipinagmamalaki ni Barth Suretsky. Nakakalungkot isipin na sa isang banyaga ko pa mababasa ang ganoong artikulo. Nasaan na nga ba ang pride ng pagiging isang Pilipino?

    Pupunta ako sa Sagada kahit sa Palawan o Zamboanga pa. Ndi ko alam kung kelan. Pero tulad ng sumulat ng blog na ito, pupunta ako dahil kating-kati na ako magbakasyon at ang perpektong lugar ay "kahit saan basta dito sa mahal kong Pilipinas."

  3. kiko

    mayabang ka boy. basta.

  4. aPpLe

    damn that was great! i enjoyed reading though i had a really hard time going through your Pinoy na Pinoy lenggwahe. hehehe… Well im also looking forward to our Bohol plans. It was supposed to be next month but darn! it was postponed due to schedule conflicts. Pero magkamatayan na… pupunta ako ng BOHOL before June ends. =D

  5. Joefort

    Magaling, Mansanas! Tama yan, Galugarin natin ang Pilipinas!

    Ako, bilang isang Pilipino, ginawa ko na itong personal na misyon. Ang alamin, danasin at ipagmalaki ang ating kultura at lahi. BOHOL, napakagandang lugar! Isa rin sa nais kong puntahan. Kampay!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s